Monday, March 28, 2011

Balik-eskwela 101

Bale, nag college entrence exam ako kanina, 72 items tapos 40 mins. sasagutan. Eh sa tanda kong ‘to, siyempre binubusisi ko yung mga tanong kase nga puros tricky at abstract reasoning eh. Tapos nasa #40 na ko, biglang sinabe nung bantay, okay, last 10 mins. Tangena, kinukupal mo ba kami? Anong last 10 mins. eh wala pa atang 30 mins. simula ng mag-umpisa kame? Eh di siyempre wala akong nagawa, pinaspasan ko na ang sagot. Tapos andun na ko sa last 5 items, sabe na naman niya, last 2mins. Eh yung mga bagets nagsisitayuan na para ipasa mga papel nila. Sa isip-isip ko. Mga lecheng ‘to! Hustler! Eh ganto ata pag tumatanda na, bumabagal na sa comprehension, or is it just me? Heh! Eh, sana maipasa ko yun. Ay, oo nga pala, tama intindi mo, babalik ako sa pagaaral.

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...