Wednesday, June 01, 2011


Eh nasa mood ako kanina, naisipan ko ng ayusin ang ~study area~ ko, tutal naman next week na yung pasukan eh. Sa wakas, natanggal ko na din yung malaking monitor diyan sa computer desk na yan na talaga namang malaking sagabal na (sorry na, alam ko matagal ka din namin napakanibangan, pero kase naman kelangan mo na talagang mamahinga eh). Kaya yun, naipasok ko na yung mga libro ko sa kwarto na matagal ng nakaimbak lamang sa cabinet sa may balkon, masaya kase ko kapag nakikita ko yung mga libro ko, siguro ganon din yung pakiramdam mo no? Oo na, dumaan ako sa Twilight Saga phase, sorry na! Past is past naman na diba? ;)
Yun nga, diyan ko binabalak mag-gugol ng oras kapag may mga kelangan ako gawing pagbabackread sa tumblr mga takda, reports or kung anu-anong school related stuff. Heh, 5 araw na lang, matapos ang 9 na taon, magbabalik ako sa pag-aaral. Kumakabog ang dibdib ko, magkahalong excitement at takot, lungkot pati kase alam ko mababawasan na ang oras ko ke Carlo, pero di bale, para sa kanya naman ‘to eh. Mabilis lang naman ang panahon, mamumukat-mukat namin, tapos ko na din ‘to. :)

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...