Sunday, May 01, 2011

One day, Someday

Matagal-tagal na din nung huling magkagusto ko  sa isang lalaki. Pero kung meron nga eh pihado si Jesse Eisenberg yun, si Gabby Alipe o di kaya’y si Paul McDonald, ang labo lang, para namang makukuha ko sila. Sa edad ko ‘to na 27, minsan ang hirap na ding uriratin ang saril sa kung ano ba talaga ang gusto ko sa isang lalaki, kadalasan kase, dumadating na lang ‘to bigla ng di mo inaasahan, yung tipong gugulatin ka na lang ng sarili mo na ay, gusto ko na pala siya.

Chances are,  mabasa mo nga ‘to, pero kebs na din. Di naman na ko bata para mag-pa-sweet pa no and hello, ang ~matured~ na kaya ng thinking ko (LOL, yabang), siguro naman ikaw din. :) Eh yun nga, sa tingin ko eh gusto ko na ‘tong taong ‘to, pero di nya ko gusto, okaaayyy? Let’s call it some kind of ~unrequited likeness~ or something to that effect. Teka, parang ang hirap namang ituloy nito, alam ko napapaisip ka kung ba’t ko siya nagustuhan. Pwede na bang dahilan na mabait siya sakin tsaka parati syang andiyan para sakin tsaka parang kapatid ko na siya (shet, incest?) hell to the N-O! Eh basta, isang gabi na lang, kumabog yung dibdib ko, tila nagsasabing, hoy, Shasha, umamin ka, gusto mo yan no? Ayun napa-oo naman ako sa sarili ko. OMG! Tao pa din pala ko, may nararamdaman pa din ako sa opposite sex in real life ah, kala kase nung isa kong kaibigan bato na ang damdamin ko sa dame ng pinagdaanan kong sakit sa buhay pag-ibig, duma-dramz2011 talaga? Pero, srsly, tingin ko eh may mga natutunan din naman na ko kung paano ko ihandle ang sarili ko sa mga sitawasyong ganito: I think this likeness I have towards this person is somewhat healthy for me, in a sense that I don’t get jealous of the fact that he likes other girl(s), diba kase minsan ang tao, pag may gusto ka, ayaw mo siyang may gusto na iba, syempre ang gusto mo, sayo siya magkagusto, hala, nabilang mo ba yung ~gusto~? Ang dame lang! And as I am typing this, naisip ko bigla, eh parang di naman ako kinikilig dito sa lalaking ‘to, ang weird no? Pero, magtiwala ka, gusto ko siya, na-aappreciate ko yung existence niya sa buhay ko. Hmmm, siguro nga phase lang ‘tong pinagdadaanan ko, ang cool lang, ang steady lang din pati, basta, masaya sa pakiramdam. :)

Kung ano mang tahakin mong landas, andito lang ako, pero plis wag kang magtutulak ng drugs, k? Haha, charot lang! Hangad ko ang iyong kaligayahan. Alam kong matagal ka na ding naghahanap ng babaeng para sayo, sabe ko naman diba, dadating din yun. God’s timing is always perfect, so grab some popcorn while you wait for that woman who will sweep you off your feet. Also, be patient. :)

2 comments:

MG said...

pwede ba akong magcomment dito? hahaha napadaan lang. ^_^ at napaka cheesy ng iyong lovestory ate. hehe

overkilled said...

May pakiramdam ako na alam ko kung sino ito. Sa bawat kadyot at tipa mo dyan sa keyboard mo, matagal ko nang iniisip kung wala ba, ni bahid man lang ba, na nararamdaman yang bato mong puso para sa kanya, kung tama man ang hula ko noh.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...