Bale, naalala kita kahapon pa. Ano na nga ba nanyayari sayo? Matagal-tagal na din tayong di nagkakausap eh. Tineks nga kita nung isang linggo, binalitaan kita ng mga kaganapan sa pag-aaral ko, na matataas ang nakuha kong mga marka nung prelims, wala lang, tamang kwento lang kahit di mo naman ako kinakamusta (oo, papansin ako, ganyan), pero ayun, deadmathon ang drama mo eh. Inisip ko, ah, baka abala lang. Pero lumipas ang ilan pang mga araw na wala talaga kong narinig na kahit ano magbuhat sayo, kaya eto, napapaisip ako, malamang-lamang ay masaya ka nga talaga. Oo, ganun na nga yun.
Nalungkot lang ako bigla nung maramdaman kong talagang papawala ka na. Naiintindihan ko na iba na ang tinatahak mong landas, naiintindihan kong matagal mo na din yang hinintay, pero basta, namimiss lang siguro kita. Sa kalagitnaan ng kaaliwan at ka-busy-han ko sa eskwelahan eh may puwang pa din naman sa isip ko ang maalala ka. Pero ganun nga siguro talaga, ang tao ay may kakayahang makalimot dahil sa labis na saya. Sabagay, yan naman ang gusto ko eh, ang maging masaya ka. Kahit ang ibig sabihin nito ay ang pagkirot ng aking puso. Pero, di bale, lilipas din 'to!
1 comments:
ag lungkot ng post. pero oo ganun nga.. may purpose tayo sa life, hindi para sa sarili natin kundi mapasaya ang iba. hehe. yun ang hula ko
Post a Comment