Sunday, April 03, 2011

14 years and counting

A large amount of cheese is written all over this entry, so if you know you might just end up throwing up, I advice you click the close button, right about now!


I hit F5 on the keyboard and got pretty surprised over a text post on my dash, well actually, it's a blog entry from a dear friend. I went on reading and the surge of emotions came through. 
Unang beses tayong nagkakilala nung trese anyos pa tayo. Naaalala ko pa na suot mo yung P.E t-shirt mo nuon. Parehas tayong di kahabaan ang buhok at kasalukuyang pinagdadaanan natin ang masalimuot na puberty stage.
Nagkasundo naman tayo kaagad. Nagpa studio picture pa nga tayo dati. Kahit hindi tayo pumapasok sa parehong eskwelahan nagawan naman naten ng paraan yun. Hindi pa nga uso ang text at unli call dati. May landline naman kaya pag biyernes at sabado hotline ang mga telepeno naten. Minsan nga three-way pa. Natatandaan mo pa ba? Hindi tayo maubusan ng sasabihin sa isa’t-isa. Nagka boyfriend ka nuon ganun din naman ako. Aminin mo, naging kasabwat mo ako sa mga kalokohan mo dati kahit naman yung ibang kalokohan mo pa bago ka lumipat ng Laguna eh sinuportahan ko.( Hindi ko ididitalye kasi baka masira ang image mo dito.hahaha)
Dumating din ang mga panahon na hindi tayo naging okay. Hindi tayo naguusap. Parang hindi tayo magkakilala. Hindi naman ako nataranta nun kasi alam ko babalik at babalik din tayo sa dati. Sumunod na nangyari eh may Carlo ka na, pumunta ako sa binyag mo. Naging okay naman tayo ulit. Pero minsan susubukin at susubukin ka ng pagkakataon talaga. May mga taong dadating sa buhay natin para turuan tayo ng mga bagay sa masakit na paraan. Ano man ang naging dahilan masasabi ko naman na tama ang pinili ko. Nabawi naman natin lahat ng nawala. Sobra pa nga kung tutuusin. Sa tambay at sleepovers, sa punong hapagkainan o kaya ihaw-ihaw lang sa kanto, Ortigas man o sa gilid gilid ng Quiapo magkasama tayo. Tingnan mo nga tayo ngayon, nasa hilaga ako at ikaw ay nasa timog pero parang wala naman pinagkaiba masyado. 
Masaya ako at halos labing-apat na taon na tayong magkaibigan at patuloy pa din ang magandang samahan. Magkapareho tayo sa ilang mga bagay pero mas magkaiba tayo kung tutuusin. Siguro nga kaya tayo balanse kasi napupunan natin kung ano ang pagkukulang ng isa’t -isa. Naging karamay kita lalo na sa pinaka masasakit na pangyayari sa buhay ko. Natulungan mo ko sa madaming paraan na hindi ko na kailangang sabihin pa. Masasabi koong ganun din naman ako sayo kahit papaano. Hindi ko makakalimutan nung sinabi mo nung nawala si Daddy mo ‘Wala man lang akong kaibigang dumating galing Maynila ang layo ko kasi.’ Pero kahit malayo pinuntahan kita.  Pareho tayong nagmahal at nawalan na.
Sana sa panibagong yugto ng ating  mga buhay eh susuportahan pa din natin ang isa’t-isa. Sana ganito pa din tayo labing-apat na taon mula ngayon o higit pa. Alam ko ang likaw ng bituka ko kaya alam kong wala akong maitatago sa iyo. Kapag may problema ka, alam mong pwedeng pwede mo akong tawagan kahit madaling araw at dadamayan kita. Hindi ko man nasasabi sa iyo pero mahal kita at nagpapsalamat ako na kaibigan kita. Dahil sa iyo, may Carlo akong kinukulit lalo dati, nabusog ako ng madaming beses dahil laging fiesta ata sa bahay nyo, lumawak ang networks ko at natuto ako sa buhay sa paraan na alam mong kung papaano. Maraming salamat ShaSha. :) Gusto na kita makita. hahaha.
P.S
Kapag sumuweldo ako mag hohouse party tayo sa kwarto mo kaso baka mabulabog naten si Lola Ona. Magdadala ako ng Koko Krunch ni Carlo promise.
I've been blogging about stuff and people close to my heart and it's only now that summady has written something for me. I feel so elated knowing that amongst those who I had made friends with throughout the years, there's this one person who went out of her way to reassure me of what kind of a bond we have. Who would've thought that the acquaintance we had at that small space at Jay Anne's house in January 9, 1997 will be the start of our wonderful journey?  Sure, we've been both through one helluva ride. We had stood  the test of times, but hey, here we are, 14 years later, stronger, wiser and  with straighter herrs. LOLWHUT?

I really can't think of any way on how to end this post that wouldn't sound so cliche but what the hell, I love you and always know that I will be here for you no matter what. Thank you for the friendship and yes, cheers to more fruitful, crazy, happy yearsss! Also, may the love that we deserve find its way to us. :) I will see you soon, Aby. Mwaaah!

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...