Niyaya ko kanina yung nanay ko na pumunta sa eskwelahan ko, sabi ko samahan niya ko at mag-baka sakali kami, baka kasi pwede na kong kumuha ng Copy of Grades. Bale, ilang araw na din kasi ko naghihintay eh. Patumpik-tumpik pa kasi sa paaralan, kelangan yung mga skolar lang daw muna ang mabibigyan. Sa enrollment na daw yung mga hindi. Eh, sa kasamaang palad, nag-System Failure naman daw sa Registrar's Office kaya nausog na naman ang enrollment sa Nobyembre 2, ibig sabihin, mapapahaba na naman ang pag-tambay ko sa bahay gawa ng sa ika-walo na ang pasukan.
Siguro nga, ngayon ang "lucky day" ko, una sa lahat, napagbigyan ang hiling namin na makakuha ng kopya (salamat sa angking charm ng nanay ko). :) At nang inabot sa akin ang papel at masilayan ko ang mga markang nandun, napangiti na lang ako sa sobrang saya. Naisip ko na sulit na sulit na ang pagpupuyat ko at pag-aadvance reading ng mga lessons ko. Sabi nga ni Carlo, mommy, I'm so proud of you! Syempre, ganon din ang nasambit ng mahal kong ina.
Sabihin na nating 1st semester lang 'to sa pangalawang pagkakataon ko sa kolehiyo, pero yun na nga eh, para sakin, napakalaking bagay na nito, achievement~ ba. Sino naman kasing magaakala na sa siyam na taon ng pagtigil ko sa pag-aaral na halos mangalawang na ang utak ko eh kaya ko pa din palang humabol sa mga bagets ngayon. :D
Walang mapaglagyan ang tuwa ko, naisip ko yung tatay ko (Sumalangit Nawa!), tiyak nakikita ako nun ngayon at masayang-masaya din siya para sakin, haha, kung makaarte ako akala mo naman graduating na! Basta, ang tanging maipapangako ko lang, talagang pagbubutihin ko 'tong landas na tinatahak ko ngayon. :)
Ay, eto nga pala yung ibinibida kong mga grades ko, o~
Tinext ko yung pinsan ko, binalita ko sa kanya yung average ko.
AKO: OMG!!! 1.50 ang GWA KOOOOO!!!
JAY ANNE: Congrats!!! [Insert curse here] ang nerd mo!!! Geek!!!
Labis lang ako natuwa sa sagot niya sakin, sabi ko nga, BEST COMMENT EVERRRR! :D